Ilapit Mo ako sa Iyo, Oh! mahabaging Mananakop ko; Itagong lagi sa puso Mo At sa payapang langit itungo, At sa payapang langit itungo.
Wala akong tunay na taglay Sa Iyo Jesus, anumang alay, Liban sa puso kong dungisang Sa dugo Mo'y nais pahugasan, Sa dugo Mo'y nais pahugasan.
Sa Iyo, Jesus, lumalapit, Sa pagkakasala'y umaalis, Masasama't maruming isip Pawang lalayuan ko nang tikis, Pawang lalayuan ko nang tikis.
Samantala ngang nabubuhay Nais magkalapit ako't Ikaw, Nang magkasamang walang hanggan At kaluwalhatia'y makamtan, At kaluwalhatia'y makamtan.